Ilang Serpentina Ang Kailangan Para Malaglag Ang Baby

Maaaring matanggal ng isang sanay na wellness worker ang binubuntis mula sa matris sa sumusunod na mga paraan:

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng paghigop (vacuum aspiration, MVA)

Fr WWHD10 Ch15 Page 244-1.png

cannula

vacuum aspirator
(panghigop)

Tinatanggal ang binubuntis sa pamamagitan ng paghigop, gamit ang ispesyal na tubo (cannula) na pinapadaan sa puwerta at cervix papasok sa matris. Puwedeng gawin ito na hindi pinapatulog ang babae, pero minsan, iniiniksyunan ng gamot sa cervix para makatulong sa sakit. Sa manu-manong proseso (transmission vacuum aspiration o MVA), tinatanggal ang binubuntis sa pamamagitan ng ispesyal na heringgilya (syringe). Kung hindi, gumagamit ng maliit na makinang de-kuryente.

Simple at ligtas ang MVA, at tumatagal lang ng mga 5–ten minuto. Ginagawa ito madalas sa klinika o health center, o sa opisina ng doktor. Ligtas gawin ang ganitong klase ng pagpapalaglag sa unang 12 linggo (iii buwan) ng pagbubuntis. Kapag lampas na sa 12 linggo, gamitin lang ang MVA kung nasa seryosong panganib ang babae at wala nang ibang paraan na matulungan siya. Mas kaunting kumplikasyon ang dulot ng MVA kaysa sa 'D and C' (nilalarawan sa baba).

Sa ibang lugar, ginagamit ang MVA para pasimulan ang nahuhuling pagdating ng regla ('delayed'). Maaaring ni hindi alam ng babae na buntis siya—basta wala pa ang regla niya. Menstrual regulation ang tawag dito. Ginagamit din ang MVA para lunasan ang pagdurugo mula sa di kompletong pagpalaglag o sa nakunan. (Para sa dagdag na impormasyon sa MVA, tingnan ang A Book for Midwives na nilathala ng Hesperian).

Fr WWHD10 Ch15 Page 244-1-a.png

curette

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng pagkayod (dilation and curettage, o D and C)

Kinakayod palabas ang binubuntis gamit ang curette, isang maliit na instrumentong hugis kutsara na dinesenyo para maipasok sa matris. Mas malaki sa cannula ang curette. Dahil matalas ito, kailangan munang banatin pabukas ang cervix. Maaaring masakit ang pagbanat.

Mas matagal gawin ang D & C (mga 15–20 minuto), mas masakit, at mas mahal kaysa sa vacuum aspiration. Ginagawa ito madalas sa isang kuwarto para sa operasyon, at madalas binibigyan ng gamot ang babae para makatulog.

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng gamot (medikal na pagpapalaglag)

Mayroon na ngayong mga modernong gamot na nagagamit ang mga doktor at health worker para magpalaglag. Medikal na pagpapalaglag ang tawag dito. Pinapaimpis ng mga gamot ang matris at pinipiga palabas ang binubuntis. Iniinom o tinutunaw sa bibig ang mga gamot. Kung tama ang gagamiting gamot o kumbinasyon ng mga gamot, ligtas at mabisang paraan ito. Dahil walang nilalagay sa loob ng matris, mas mababa ang panganib ng impeksyon na pumapatay sa maraming babaeng dumaan sa hindi ligtas na pagpapalaglag.

Bago gumamit ng gamot sa pagpapalaglag:

  • Alamin ang pangalan at tamang dosis ng gamot o mga gamot na gagamitin. Huwag na huwag gumamit ng gamot na hindi mo tiyak. Kung ligtas gawin, makipag-usap sa pinagkakatiwalaan mong health worker tungkol sa mga gamot na pampalaglag bago pa ito gamitin.
  • Pinakamabisang gamitin ang mga gamot na pampalaglag bago mag-9 na linggo (63 araw) ang pagbubuntis. Simulan ang pagbilang mula sa unang araw ng huli mong pagregla. Magagamit mo ang medikal na pagpapalaglag hanggang sa ika-12 linggo ng pagbubuntis, pero mas mababa nang kaunti ang bisa ng mga gamot at maaaring mas marami kang side effects, tulad ng mas malakas na pagdurugo, masakit na paghilab, o pagkaduwal.

MAHALAGA! Tiyakin mo na hindi lalampas sa isang oras ang distansya mo mula sa isang klinika na makakaalaga sa nakunan, para kung duduguin ka nang malakas, laluna kung lampas ix na linggo ka nang buntis. Malaki ang pagkakatulad sa nakunan ng pagdurugo at paghilab mula sa medikal na pagpapalaglag, at mahirap mapag-iba ng doktor.

Ilang gamot na ginagamit sa pagpapalaglag

Kung wala kang malapitan para sa ligtas na pagpapalaglag, makipag-ugnayan sa Women on Web.

Mifepristone: mayroon nito sa ilang bansa kung saan ligal ang pagpapalaglag. Pero wala nito sa maraming bansa. Pildoras ang anyo ng gamot, at iniinom.

Misoprostol: ginagamit ito para sa ulser sa sikmura, at matatagpuan sa maraming bansa. Madalas ginagamit ito nang solo para magpalaglag, pero mas mabisa sana kung gagamitin kasama ng mifepristone. Kung gagamitin nang solo ang misoprostol, mas mababa ang bisa at mas maraming side effects, lalo kung lampas sa 9 na linggo ang pagbubuntis.

Madalas nawawala ang mga palatandaan ng pagbubuntis pagkalipas ng 48 oras. If you continue to feel pregnant, go to a clinic or hospital to be checked. There is a small-scale take chances of birth defects if yous become on to take the baby.

Mga palatandaan ng panganib matapos ang medikal na pagpapalaglag

  • Matinding pagdurugo mula sa puwerta– kapag nababad ang ii malaking pads sa i oras, sa 2 magkasunod na oras. Agad pumunta sa klinika o ospital.
  • Lagnat na nagsimula kinabukasan pagkatapos ng huling dose ng misoprostol, at tumagal ng ilang araw—maaaring palatandaan ito ng impeksyon (pero madalang ito mangyari sa pagpapalaglag gamit ang medisina). Magpatingin sa isang may kasanayan na manggagamot (health provider).

Paano malalaman kung magiging ligtas ang pagpapalaglag

Hindi palaging madali na malaman kung magiging ligtas ang aborsyon. Sikaping magpunta sa lugar kung saan ito gagawin, o itanong ang mga ito sa nakapunta na roon:

  • May nabalitaan ka na bang mga babaeng nagkasakit o namatay dahil sa pagpapalaglag dito? Kung oo, pumunta sa ibang lugar.
  • Sino ang gagawa ng pagpapalaglag at paano sila nagsanay? Kayang magpalaglag ng mga doktor, nurse, health worker at tradisyunal na tagapaanak. Pero, maaaring sobrang mapanganib ang pagpapalaglag na gagawin ng taong hindi nagsanay sa mga paraan ng ligtas na aborsyon at kung paano iwasan ang impeksyon.

malinis na kuwarto na may lamesa para sa eksaminasyon, maayos na nakalatag na mga instrumento, at lababo kung saan naghuhugas ng kamay ang isang manggagawang pangkalusugan o health worker

Mukhang ligtas ang kuwartong ito.
  • Malinis at maayos ba ang kuwartong gagamitin? Kung madumi at magulo ito, malamang ay gayon din ang mangyayaring pagpapalaglag.
  • May lugar ba para maghugas ng kamay? Hindi makakagawa ng malinis at ligtas na pagpapalaglag ang isang health worker na walang lugar para maghugas ng kamay.
  • Kamukha ba ng mga nakalarawan sa pahina 244 ang instrumentong gagamitin, o mukhang napulot o gawang-bahay lang? Maaaring magdulot ng pinsala at impeksyon ang mga instrumentong gawang-bahay.
  • Paano nililinis ang mga instrumento at tinitiyak na walang mikrobyo? Dapat binababad ang mga instrumento sa matapang na disinfectant (kemikal na pamatay ng mikrobyo), o pinapakuluan nang matagal para mapatay ang mga mikrobyong sanhi ng impeksyon.
  • Mukhang makatuwiran ba ang singil? Kung masyadong mahal ang singil, nangangahulugan ito minsan na pera lang ang habol ng health worker, hindi ang iyong kalusugan.
  • May iba pa bang serbisyong pangkalusugan na binibigay bukod sa pagpapalaglag? Ang isang mahusay na health center ay magsisikap ding magbigay ng ibang mga serbisyo na kailangan ng kababaihan, tulad ng pagpaplano ng pamilya, paggamot ng mga impeksyon (INP), at pag-iwas sa HIV.
  • Saan ka dadalhin kung magkaproblema habang ginagawa o pagkatapos ng pagpapalaglag? Dapat palaging may plano na madala ka sa ospital kapag may emerhensya.

napakaduming kuwartong may nakakalat na mga instrumentong hindi maayos o akma; may lalaking nakaupo na nakapatong ang paa sa lamesa at may hawak na botelya

Mukhang hindi ligtas ang kuwartong ito.

Huling binago ang pahinang ito: 11 Set 2017

taylorthade1984.blogspot.com

Source: https://fil.hesperian.org/hhg/Where_Women_Have_No_Doctor:Mga_ligtas_na_paraan_ng_pagpapalaglag

0 Response to "Ilang Serpentina Ang Kailangan Para Malaglag Ang Baby"

Postar um comentário

Iklan Atas Artikel

Iklan Tengah Artikel 1

Iklan Tengah Artikel 2

Iklan Bawah Artikel